Palaisipan ngayon sa netizens kung para kanino ang maaanghang na binitawang salita ng social media personality na si Wilbert Tolentino.

Sa Facebook post ni Wilbert nitong Sabado, Hulyo 8, mababasa ang kaniyang umanong hugot sa isang tao na sinabihan niyang, ungrateful sa asal nitong ipinapakita at lagi pang pabalang kung sumagot sa kaniya kaya’t nakasusuka ang ugali nito.

“Nakadadala tumulong sa tao na hindi marunong mag value sa taong may pagmamalasakit at ang worst ay ungrateful pa ang asal na ipinapakita at laging pabalang sumagot. Nakaka- ang ugali mo. Hindi ka mag-tatagal sa industriya sa asal na mayroon ka!” aniya.

Ayon pa kay Wilbert, hindi niya na kayang ipaglaban at pagtakpan pa ang tunay na ugali ng taong tinutukoy niya.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Kahit saan ka pa lumipat at kung hindi ka nag bago, binitbit mo lang problema mo sa bago mong pakikisamahan. Sorry at hindi ko na kaya i-defend pag-uugali at cover up ang tunay mong kulay. Nakalulungkot sabihin peRo real talk po eto. #Atechonatothehighestlevel ,” dagdag pa niya.”

Screenshot mula sa FB ni Wilbert Tolentino

Kaniya-kaniyang hula at tanong naman ang netizens na nagbigay-komento sa comment section:

“The who??”

“Sino ba iyon sir?”

“These past few days hindi na nagpo-post si sir wilbert ng support niya kay Herlene for the past few days.”

“Sinetch itey?”

“Sir kailan po yong live?”

“Pag hindi na kaya. I let go mo na. Don't stress too much yourself to the person who never value your sacrifices.”

Bukod sa pagiging social media personality ni Wilbert, kilala rin siyang talent manager nina Herlene Budol at Madam Inutz.