Tila ibang “Megastar” ang makikita sa ibinahaging larawan ng actress-singer na si Sharon Cuneta sa kaniyang bagong pustura.

Sa Instagram post ni Sharon nitong Sabado, Hulyo 8, bukod sa all-smile at ibang aura niyang makikita sa larawan, kapansin-pansin din ang laki ng ibinawas sa kaniyang timbang.

Ayon pa kay Sharon, masaya na siyang muling nakapag-suot ng dress.

OOTD! Am able to wear dresses again yaaay!!!🙏🏻🥰❤️,” aniya.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Tila hindi naman makapaniwala ang netizens na nagbigay-komento:

Jaws ko, balik ang Crying Ladies figure.”

“Grabe parang dalaga ka na ulit!”

“liit ng face kahit sa personal huhuhu i love you po mama, i miss you so much!!”

“Napaka Sexy at Gandang dilag naman po ng aming Mama!!!”

“Sobrang blooming mo Mega. I’m so happy and proud with your transformation, slayyyy my queen.”

“Hi you are very inspiring could you please share your secret ate shawie, you look amazing!”

Kamakailan ay ibinida ni Sharon na kasama siya sa unang episode ng bagong noontime show ng TVJ sa TV5 noong Sabado, Hulyo 1, 2023.