Tila hindi nagustuhan ng maraming netizens ang naging rebelasyon ng sexy star na si Sabrina M, nang sabihin niyang naging ex-boyfriend ang yumaong Kapamilya actor na si Rico Yan.

Matapos ang halos lagpas dekada, sa kauna-unahang pagkakataon ay inamin at kinumpirma na ng dating sexy star ang noo'y umiikot-ikot na tsika tungkol sa kanila ni Rico.

Anang Sabrina, pagkatapos daw ng relasyon ni Rico sa kaniyang ex-girlfriend na si Claudine Barretto, saka naman daw pumasok sa eksena si Sabrina, rebelasyon niya sa isang press conference para sa pelikulang "Manang" ngayong Huwebes, Hulyo 6, na ginanap sa Quezon City.

Dahil magkaiba sila ng imahe, minabuti na lamang daw ng dalawa na itago sa publiko ang kanilang relasyon.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Sexy star kasi ang imahe niya noon habang si Rico naman ay wholesome na heartthrob.

Nang magsimula na raw ang tsismis noon na may relasyon sila, marami raw ang "dumurog" sa kaniya. Pinagtaasan daw siya ng kilay dahil pinatulan daw siya ni Rico na isang "hubadera."

"Napakabait ni Rico Yan. After Claudine, naging kami ni Rico Yan. Matagal kaming nagkarelasyon. Taon. Noong nag-uumpisa na yung tsismis sa akin, dinudurog na agad ako. Rico Yan 'yan eh? Bakit siya pumatol sa isang sexy star? Bakit siya pumatol sa isang hubadera?"

"Pero bilib ako kay Rico dahil hindi siya mapanghusga. Pinagtatanggol pa niya (ako) sa ibang tao. Sinasabi niya kilala ko si Sabrina M, kaya huwag ninyo siyang i-judge," aniya.

"Hon" pa nga raw ang tawagan nila o pinaiksing "honey."

Nagkakilala raw sila nang mag-guest siya noon sa noontime show na "Magandang Tanghali Bayan (MTB)" sa ABS-CBN kung saan ito sa mga host. Ang MTB ay pinangunahan nina Randy Santiago, John Estrada, at Willie Revillame noon, katapat naman ng "Eat Bulaga!" ng TVJ.

Dumadalaw-dalaw raw si Sabrina sa puntod ni Rico kapag nagagawi siya sa sementeryong kinalalagakan ng mga labi nito. Noon ding mga burol ay naroon din siya.

Nang mamatay raw si Rico ay in a relationship daw sila. Alam daw ni Claudine ang tungkol dito. Iginiit ni Sabrina na hindi niya inagaw si Rico mula kay Claudine.

Sey naman ng mga netizen, sana raw ay patahimikin na ang namayapang aktor at huwag nang gamitin pa upang magpaingay ulit ng pangalan, o gamitin sa promotion ng pelikula.

"Feelingera 'to si Sabrina. Hahaha..."

"Past is past. Let Rico Yan rest in peace."

"Why bother to let it out in public after so many years? Let Rico rest in peace... leave the past behind..."

"OMG! Wawa naman Rico Yan. Patay na gusto pang gamitin. Gamit na gamit na nga nung isang mangagamit din, heto na naman may isa pa."

"Tumigil ka. What's the point? Kung nagkaroon man kayo ng ugnayan, di mo na dapat iladlad pa. Makakasakit ka lang ng damdamin ng iba. Hindi mo na ikasisikat pa kahit malaman ng tao."

"Yung nakaabot lang sa panahon ng Rico-Claudine ang shocked at apektado, hayaan n'yo na kami. Notebook namin sila."

"Ay teh baka bumangon pa si Rico at multuhin ka sa mga ganyan mo."

"Patahimikin na po ang patay!"

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Claudine o ang pamilya ni Rico tungkol dito.

MAKI-BALITA: Sabrina M may isiniwalat, nagkalihim na relasyon kay Rico Yan