Inamin ng "Eat Bulaga!" TV host-actor na si Paolo Contis na alam niyang may mga pagkakamali at pagkukulang siya sa buhay, at isa na riyan ang patungkol sa pagiging ama ng kaniyang mga anak.

Sa panayam ng kaniyang kaibigang si Ogie Diaz, sinabi ni Paolo na naging "collateral damage" ang kaniyang mga anak sa mga naging pagkakamali niya, na bagama't walang binanggit, ay tumutukoy raw sa mga nagdaang karelasyon gaya nina Lian Paz at LJ Reyes.

Matatandaang napaulat pa ang pahayag ni Lian na nais na raw sanang papalitan mismo ng mga anak nila ni Paolo ang apelyidong "Contis."

Si LJ naman, nanirahan na sa Amerika kasama ang mga anak, at malapit nang ikasal sa fiance na si Philip Evangelista.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Nami-miss na raw niya ang mga anak niya, pag-amin ni Paolo.

"It's just really sad na naging collateral damage sila sa mga kamalian ko. Kung meron akong regret, yun yung mga oras na nawala... For me, buong buhay ko yung pagsisisihan," aniya.

"But more than anything, ang isang fear ko is that I will never get the opportunity to actually talk to them. I will never ever enter their lives para manggulo," ani Paolo.

"Just to have a decent conversation, that's all I'm asking," aniya.

Mensahe pa ni Paolo sa bashers niya, sana ay maka-move on na rin sila dahil ang mga taong involved ay nakapag-move on na rin.

MAKI-BALITA: ‘Ang bobo!’ Paolo tumugon sa isyung ‘namimigay ng premyo, hindi ng sustento’