Mabilis na kumalat sa social media ang tweet ng tinaguriang “Box Office Queen” ng kaniyang henerasyon na si Kathryn Bernardo.

May TikTok na si beshie,” saad ni Kathryn sa kaniyang Twitter post nitong Sabado, Hulyo 8.

Mapapansing naki-trend din si Kathryn dahil sa paggamit niya ng “cartwheel” emoji na kadalasang ginagamit ngayon ng netizens.

Sa kabilang banda, ibinahagi rin ng aktres sa kaniyang Instagram story ang nasabing account niya sa naturang social media platform.

Metro

Riot sa basketball championship sa Muntinlupa, iimbestigahan ni Mayor Biazon

Habang isinusulat naman ang balita sa mga oras na ito, trending sa Pilipinas ang “#KATHTiktokEra” dahil dito.

Samu’t saring komento naman ng netizens ang mababasa sa tweet ni Kathryn na nagbigay-komento:

“FINALLY BESHY KO!”

“Thank you kath huhu we are very happy and excited for your upcoming videos our very good beshy!”

“It's time for you to do the "sige na, freak!" Line from agua bendita beshie.”

“KATHRYN ON TIKTOK!”

“Kaka-uninstall ko lang pero, mukang mag dl ulit ako.”

“Naka-follow na ko sayo lodi!”

Samantalang, mapanonood na sa kaniyang ang kauna-unahan niyang upload video na may caption na, “Lato-lato but make it fasyown. Hello, TikTok world! #kathrynvslatolato,” anang Kathryn.