Nawindang ang online world sa kumakalat na Facebook at TikTok post ng isang netizen matapos palihim na kunan ng video ang nakasakayang pasahero sa isang modernized jeepney, na umano'y hawig ni South Korean superstar "Song Joong-ki."

Si Song Joong-ki ay tumatak sa iba't ibang markadong Korean series gaya ng "Descendants of the Sun," "Vincenzo," at marami pang iba.

Hangad ng uploader nitong si "Elea Phoebe Suarez" na sana ay mahagilap ng netizens ang nabanggit na kahawig ng South Korean superstar.

"Hello guys! Help us find dis guy hehe basi bala siya ni ang sa Vincenzo kag Descendants of the Sun haw sinsabi ko talaga sayu!!!!!!!," aniya sa kaniyang Facebook post.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"Loc: BCD, and nag sakay sya sa Bata na e-jeep. Video fr Jorizel."

Sa video, makikitang nakasuot ito ng puting t-shirt at nakasuot ng sumbrero.

Sang-ayon naman ang mga netizen na kamukhang-kamukha nga ng nabanggit na pasahero si Song Joong-Ki.

Saad naman ng iba, baka ito raw ay long-lost twin ni Song Joong-Ki, o baka naman ito na mismo ang aktor at palihim na nagbakasyon sa Pilipinas?

Sana raw ay agad itong mahagilap at baka mabigyan ng exposure sa showbiz.

Umabot na sa 3.1k shares at 258k views ang nabanggit na viral FB post.