Sumalang na rin ang Kapuso actor na si David Licauco sa segment na “Lie Detector Test” sa YouTube channel ni Bea Alonzo.

Sa YouTube video ni Bea nitong Sabado, Hulyo 8, 2023, mapanonood ang halos kalahating-oras na naging pagsalang ni David sa naturang lie detector test.

Tila highlights naman ng interview ni David nang tanungin siya ni Bea sa pagtatapos ng kanilang usapan ng,

“For fans lang, crush mo ba si Barbie?,” tanong ni Bea.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

“Eh paano kapag sinabi kong hindi?,” tila proud pang sagot ni David.

Pasabog na hiyaw at may halong tawa’t kilig naman ang makikita kay Bea matapos mag-thumbs down ang naturang detective at investigator na si Kuya Bunso.

Sa kabilang banda, napatawa at napa-high five na lang si David kay Bea matapos niyang magsinungaling sa nasabing tanong.

Isa rin sa mga naibahagi ni David ang pagkakaroon niya ng "sleep apnea" na dahilan daw kung bakit hindi naging maganda ang unang working relationship nila ni Barbie noon.

MAKI-BALITA: David Licauco may sleep disorder kaya nale-late sa taping noon