Winning moment na naman para sa actress-TV host na si Pauleen Luna-Sotto matapos ang “moving-up” ng anak niyang si Talitha Maria Sotto o kilala rin bilang “Baby Tali.”

Sa Instagram post ni Pauleen nitong Biyenes, Hulyo 8, makikita ang video at mga larawang kuha sa nasabing moving-up ceremony ni Baby Tali.

Kapansin-pansin namang bukod sa mga masasayang larawan ni Baby Tali kasama ang kaniyang kapwa nagsipagtapos, makikita rin siyang ganadong-ganadong humataw para sa kanilang performance.

Sinabi naman ni Pauline na proud siya sa naging achievement at mga natutuhan ng kaniyang anak para sa taong ito.

National

PCO, pinasalamatan Kamara sa pag-apruba ng ₱2.281B proposed budget sa 2025

“Happy moving up day my love! I'm so proud of what you've learned and achieved this school year!” aniya.

Ayon pa kay Pauline na lagi siyang nariyan sa kaniyang anak para sumuporta.

“I love you and we'll always be here to support you!” dagdag pa niya.

Sa kabilang banda, hindi man kumpirmado ngunit hindi namataan sa nasabing moving-up ni Baby Tali ang kaniyang daddy na si Bossing Vic Sotto.