Sumalang sa "Lie Detector Test" vlog ni Kapuso star Bea Alonzo ang isa sa mga kinakikiligang leading man ngayon sa GMA Network na si David Licauco.

Inupload ni Bea ang nabanggit na vlog ngayong Linggo, Hulyo 8.

"Heto na siya! A few days ago I went to 'Kuya Korea' to challenge one of the hottest stars right now. Talagang minahal siya ng mga tao bilang Fidel sa 'Maria Clara at Ibarra', and people have been clamoring to see more of him and his love team partner, Barbie Forteza," ani Bea sa kaniyang caption.

"Sit back and relax as we get to know more of our 'Pambansang Ginoo', David Licauco!"

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Ang "Kuya Korea" ay ipinatayong restaurant ni David noong 2022.

Isa sa mga natanong ni Bea kay David ay kung nape-pressure ba siya sa mga sikat na tambalan ngayon gaya ng "DonBelle" nina Donny Pangilinan at Belle Mariano, "KDLex" nina KD Estrada at Alexa Ilacad, at iba pa, para sa tambalan nila ni Barbie Forteza.

50-50 raw ang sagot dito ni David, pero yes pa rin ang sinabi niya.

Segunda naman ni Bea, maganda rin naman ang may rivalry para sa healthy competition.

Pinuri naman ni David ang DonBelle at aminadong nagagandahan siya sa dynamics ng dalawa. Inamin din ng Kapuso star na pinanood niya ang mga pelikula ng dalawa.

Gaya panawagan ni Bea sa GMA at ABS, tutal ay nauuso naman na ang collaborations, baka puwede raw pagsamahin ang dalawang sikat na tambalan sa isang proyekto.