‘Taylors Sweep’ ng Pilipinas yarn?

Kinagiliwan sa social media si TV host Melai Cantiveros matapos nitong i-flex ang kaniyang “look” na tila inspired kay multi-Grammy award-winning American singer at songwriter Taylor Swift.

Sa kaniyang Instagram post nitong Sabado, Hulyo 8, ibinahagi ni Melai ang kaniyang larawan suot ang tila Eras Tour-inspired gown noong dumalo siya sa 30th-anniversary celebration ng Star Magic kamakailan.

“#StarMagic30 ❤️ bakit pa kayu punta ng Singapore andtu lang sa Phils si Taylors Sweep 🤪😜,” kwelang caption ni Melai sa naturang post.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“TEKA LANG NAMAN!!!!!!! Cc @chinitaprincess @iamrobidomingo @mr_enchongdee,” komento naman ni Bianca Gonzales sa naturang post ni Melai.

“Hala!!! Gwapa!!!😍😍😍,” saad din ni Kim Chiu.

“TAYLORS CHIP 😭,” hirit naman ni Darren Espanto.

Matatandaang napabalita kamakailan na kasama ang bansang Singapore, ngunit hindi ang Pilipinas, sa listahan ng mga bansang pupuntahan ni Taylor Swift para sa kaniyang “The Eras Tour.”