Mukhang hindi napigilan ng actress-vlogger na si Alex Gonzaga ang pagiging “jejemon” niya matapos sayawin ang kantang “First Love” ng Repablikan sa Copenhagen, Denmark.

Sa Instagram story ni Alex nitong Sabado, Hulyo 8, makikitang giliw na giliw na gumiling ang aktres sa tila ginawa niyang “full choreo” ng nasabing kanta.

Makikita rin sa video ang mister niyang si Mikee Morada na hindi rin nakaiwas sa pagsayaw ni Alex na makikitang kumandong pa sa kaniya sa huling bahagi ng steps nito.

“Jeje all the way here in Copenhagen”, mababasang konstekto sa naturang Instagram story ni Alex.

National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'

Hindi na bago ang mga ganitong kwelang sayaw ni Alex dahil kamakailan lang ay may ‘pa-kadyot’ moves naman ito sa kaniyang mister. 

Sa kabilang banda, tila maituturing talagang “theme song” noon, magpahanggang sa ngayon ng “jejemons” ang mga kanta ng Repablikan tulad na lang ng “First Love.”

MAKI-BALITA: Alex Gonzaga, may ‘pa-kadyot’ moves sa mister