Napa-flashback Friday ang actress-TV host na si Jolina Magdangal-Escueta matapos niyang i-kwento at ibahagi ang larawan niya noong mga panahong baliw na baliw pa siya sa bampira.

Sa Instagram post ni Jolina nitong Biyernes, Hulyo 7, makikita ang tila bampira niyang larawan dahil sa pagkahumaling niya sa nasabing palabas.

Ayon pa kay Jolina, hindi siya marunong gumamit ng graphics editor app kaya gumamit na lang siya ng sticker bilang pangil at kinulayan naman ng pula ang kaniyang mata.

2008-2009. Ito ang panahon na baliw na baliw ako sa “Twilight Saga”. Hindi ako marunong mag adobe photoshop kaya sticker na pangil na lang at kinulayan ng pula ang mata.😅🤣🤣, “ aniya.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Kuwento pa ni Jolina, dumating pa siya sa punto ng buhay niya na gusto niyang lumabas ng madaling-araw at pumunta sa tapat nilang bakanteng lote dahil sa pagbabaka-sakaling naroon ang bidang karakter ng nasabing palabas. 

Tanong pa ni Jolina sa kaniyang followers kung sino rin sa kanila ang kagaya niyang nabasa ang 4 na makakapal na nobela at hindi rin pinalampas panoorin ang inilabas na pelikula.

“Sino dito ang nabasa ang 4 na makakapal na novel at di rin pinalampas ang movies tulad ko? Taas kamay dali!!!!!!🙋🏻‍♀️,” dagdag pa niya.

Maraming netizens naman ang nagbahagi ng kanilang karanasan sa comment section:

“So ayon na nga feeling bampira din ako ng mga panahon na yan, lahat ng makita ko na Volvo na kotse feeling ko si edward cullen nagmamaneho at susunduin ako.”

“Gusto kong pumunta sa gubat at mapupunong lugar kasi baka nandoonn si Edward.”

“Me! Twilight ang reason kung bakit napabili ako ng projector. Gusto ko mapapanood ko ng malaki, prang sine. At least unlimited.”

“Me. Although team Jacob ako noon for Bella. Pero yes in my imagination napaka-gwapo ni Edward Cullen!!”

“Me, as in buang ako sa novels at movie nito. Halos lahat meron ako magazines, book's, posters etc.”

“College ako that time. Walang pera pangsine pero lagI ko maririnig sa iba. Until nagka-work na napanood ko na later movies hahaha until na upload sa netflix napanood ko na lahat hahahaha ang chaka lang ng second part hahaha but kahit sinong teenagers or young people mainlove sa tambalang Edward Cullen at Bella Swan.”

Ang pelikulang “The Twilight Saga” naman ay isang film series na may kabuuang limang bilang na simulang umere noong 2008 hanggang 2012.