Ibinahagi ng Kapamilya actress na si Chie Filomeno ang kaniyang “proud moment” matapos niyang balikan ang mga pagsubok na pinagdaanan niya noon.

Sa Instagram post ni Chie ngayong Sabado, Hulyo 8, ibinahagi niya ang mga video at larawang kuha sa kaniya sa isang event.

Kung babalikan, ikinuwento ni Chie ang kaniyang pinagdaanan noong mga panahong nag-go-see pa lang siya para sa Star Magic.

“15 years old ako nung nag go-see ako for @starmagicphils, after 4 months nung tinext kami para sa callback. Apat na callbacks ‘yon, each callback nalalagas kami. From 38 to 8 artists at kasama ako sa 8 na napili na ‘yon.” aniya.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Fast forward para sa karera niya ngayon, taas-noong ipinagmamalaki ni Chie na worth it talaga lahat ng kaniyang pinagdaanan noon at ngayo’y mayroon nang sariling pahina sa isang Catalogue.

“I have my own page in the Catalogue! Almost 11 years with my Star Magic family grabe looking back at my journey, worth it talaga lahat—lahat nung pagod, heartbreaks, puyat at iyak.” anang Chie.

Ayon pa kay Chie, marami siyang natutunan sa pinagdaanan niyang iyon lalo na sa mga taong nakatrabaho nito na kaniyang pinapahalagahan sa buong buhay niya at umaasang maibahagi at makapagbigay-inspirasyon sa ibang tao.

Sa kabila nito, nangako naman si Chie na patuloy pa niyang pagbubutihan ang kaniyang trabaho at hindi niya sasayangin ang mga oportunidad na binigay sa kaniya.

I will never get tired of honing my craft and learning. Nagpapasalamat po ako sa tiwala na binibigay niyo. Congratulations to us!!” dagdag pa niya.