Malaki umano ang pasasalamat ni Kapuso actor-TV host Paolo Contis sa GMA Network, Sparkle GMA Artist Center, at TAPE, Inc. dahil sa kabila umano ng kaniyang mga kinasangkutang kontrobersiya, ay patuloy pa ring nagtiwala sa kaniya at binigyan pa rin ng trabaho.

Muling naging panauhin si Paolo sa "Fast Talk with Boy Abunda" noong Hulyo 6 kasama ang mga dati at bagong cast ng nagrereformat na "Bubble Gang," ang longest-running gag show ng Kapuso Network, na lilipat na ng araw at time slot.

Aminado naman daw si Paolo na "work in progress" pa siya at marami pang dapat ayusin pagdating sa personal na buhay.

Pero thankful ang aktor-TV host dahil kahit binatbat ng mga intriga (hanggang ngayon), full support pa rin ang mga boss sa kaniya.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"Marami akong kailangang ayusin sa buhay ko. And this is a big leap 'ika nga, sa pag-aayos ng buhay ko, that I am busy," anang Paolo.

"Malaking bagay sa akin na nagtitiwala pa sa akin ang GMA, ang Sparkle, ang TAPE. I'm very thankful na hindi nila tiningnan 'yong mga personal kong mali, pero they value 'yong work ethics ko, 'yong kung ano ang nadadala ko sa table kapah ako'y nagtatrabaho. Malaking bagay na dire-diretso itong trabaho because it's really part of the 'fixing' of my life of course," giit pa ni Paolo.

Bukod sa Bubble Gang, napapanood si Paolo mula Lunes hanggang Sabado sa bagong "Eat Bulaga!" tuwing tanghali.