Magpo-promote lang naman sana si Andrea Brillantes ng produkto sa isang Instagram post kamakailan pero tila pinayuhan pa siya ng mga netizens hinggil sa hiwalayan nila ni Ricci Rivero. 

Sa nasabing post, sinayaw ng aktres ang sikat na tugtugin ngayon sa TikTok na "Girls Like Me Don't Cry." 

May lyrics kasi itong, "I'm hiding out so they don't see this part of me/ Girls like me don't cry/ Girls like me pretend we don't cry (cry baby)/ Girls like me don't cry/ Girls like me pretend we don't cry."

Kaya naman hindi napigilang mag-komento ng netizens sa kaniyang post.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

"Tama yan strong girls don't cry! Wag kana muna mg bf.. piliin mo next time yung pang simbahan na para hindi palit palit."

"Yes ante, girls like u don't cry kasi ang GANDA mo!"

"Strong gurls rule!"

"yan kasi hilig mo sa pogi… dapat yung mga kagaya ko pinipili mo"

"Dang girl! Looking better now, golden glowing flowing like a champ"

"At wag sayangin ang kabataan sa Maling tao"

"Mag ingat kana idol dahil may darating pang mga lalaki sa buhay mo na wawasakin kalang kaya mag ingat ka lage wag mag tiwala agad ha"

"Wag ka nmuna mag BF malas sa buhay mo hahahahaha"

Matatandaang nitong unang bahagi ng Hunyo, tila kinumpirma na ni Ricci Rivero ang umano’y hiwalayan nila ni Andrea sa pamamagitan ng isa Twitter post. Ito ay matapos umanong ma-link ang basketball player kay Beauty Queen at Los Banos, Laguna Councilor Leren Mae Bautista.

MAKI-BALITA: Ricci at Andrea, hiwalay na? Ricci, may pasabog na tweet

Noong Hunyo 26, binasag na ni Ricci ang kaniyang katahimikan hinggil sa hiwalayan nila ng aktres.

Sa programang Fast Talk With Boy Abunda ng GMA-7, sinabi ni Ricci na noong buwan ng Abril daw nang mapagdesisyunan nila ni Andrea na mag-cool off.

MAKI-BALITA: Ricci Rivero, nagsalita na sa hiwalayan nila ni Andrea Brillantes

Kamakailan, naging usap-usapan ang isang video na  kumalat online hinggil umano sa isang babaeng nakatapis o nakabalot lamang ng tuwalya, at naabutan umano ni Andrea ni Ricci.

Ayon sa panayam ni Ricci sa “Fast Talk with Boy Abunda,” tila sinasabi niyang ang nag-video sa babaeng kasama ng kaniyang kaibigang nagpunta sa kaniyang tinutuluyan, ay si Andrea.

Hindi pa malinaw kung si Andrea nga ba ang nag-leak nito sa social media na pinutakti umano ng mga marites. Ito umano ang naging dahilan kung bakit tuluyang naghiwalay ang dalawa, batay sa panayam ni Tito Boy.

MAKI-BALITA: Nag-leak na video, pinagpiyestahan; Babae naispatang nakatapis lang sa condo ni Ricci?

Nang mag-trend daw ang panayam kay Ricci ni Tito Boy, agad-agad na nagpadala ng mensahe si Jhaiho kay Blythe upang tanungin dito kung ano ang “totoo.”

Tugon naman daw ni Andrea, “LOL. Nakalimutan niya yatang sabihin na hubad kong nadatnan yung girl… hubad sa kuwarto niya. Tulog siya (Ricci). Di raw nila alam ang nangyayari at lasing sila. Di niya minention. Hindi niya minemention. Marami pa siyang hindi minention.”

MAKI-BALITA: Andrea kinontra mga rebelasyon ni Ricci; may shocking na pasabog tungkol sa bebot