Walang preno ang sexy actress at dating Pinoy Big Brother Grand Winner na si Keanna Reeves sa kaniyang mga rebelasyon sa interview vlog ng showbiz insider na si Morly Alinio.

Inamin ni Keanna na marami na siyang naka-chukchakan sa showbiz: ang isa ay baguhang aktor, isang artista sa "Star Magic," at iba pang mga artistang "guwapo."

Ang Star Magic artist na tinukoy niya, naka-chorvahan daw niya sa kotse!

Kapag guwapo raw ay talagang walang kiyeme si Keanna sa pagpatos dito.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"Alam mo naman yung lola mo, hinahanting lagi. Mga bagets kasi, gusto nila curiosity, parang siguro na ano nila na ano, malandi ako, gusto nila ma-experience, eh ako naman ang lola mo siyempre pag guwapo hindi ko tinatanggihan 'yan no,” pag-amin ni Keanna.

“‘Di ba marami kang artistang naka-chorvahan?," urirat ni Morly sa kaniyang guest.

“Ay, oo naman! Walang pinapalampas sa akin ‘yan. Kaya nga hindi na mabilang eh – artista, model, artista, model… I enjoy life talaga kasi isang beses lang tayo mabubuhay eh," anang Keanna.

Alam daw kasi ni Keanna na wala namang seseryoso sa kaniya, kaya "tikiman" time na lang ang mga nangyayari.

“Oo, ayaw ko namang magjowa. Kasi alam ko naman na walang seryoso, tikiman lang eh," aniya pa.

&t=1042s