Pahinga muna ngunit may kaunting work pa rin ang TV host at LGBTQIA+ community rights advocate na si Jervi Li a.k.a. “KaladKaren Davila” na biyaheng London kasama ang fiance na si Luke Wrightson.

Sa Instagram post ni Kaladkaren nitong Biyernes, Hulyo 7, makikitang seating pretty  at enjoy na enjoy ang engaged couple habang nilalasap ang nakahaing pagkain at wine sa sinasakyang eroplano.

Saan 🤸‍♀️pupunta 🤸‍♀️ ang🤸‍♀️ beshie🤸‍♀️ko???” kwelang hirit pa sa kaniyang Instagram caption.

Ayon pa kay KaladKaren, kailangan niya muna ng dilig at recharge.

National

Ilang araw bago ang New Year: Bilang ng mga naputukan, pumalo na sa 69

“A quick escape from the hustle and bustle. Pahinga muna and konting work!😝😝😝 Need ng dilig and recharge! See you soon, Pilipinas!❤️✈️🇬🇧,” aniya.

Nagbigay-komento naman ang netizens sa comment section:

“Enjoy your vacation!”

“Enjoy lovebirds!!”

“Hahahaha nakakatuwa naman ang caption may pag tumbling talaga.”

“Hindi pa nakakarating sa destinasyon, maluwag na este nakakaluwag-luwag na! Have fun and enjoy your vacay.”

“Naka corset sa flight! Iba ka sis!!”

“Buti hindi po nag-selos sa fit check pero grabe po yon ah.”

Matatandaang pumirma na si KaladKaren sa ABS-CBN Kapamilya channel bilang pinakabagong “Star Magic” artist noong Lunes, Hunyo 26, 2023 na ginanap sa ABS-CBN Broadcasting Center.

Lumikha siya ng kasaysayan matapos niyang maging kauna-unahang showbiz news presenter na miyembro ng LGBTQIA+ community sa isang flagship newscast ng network. Siya ang kasalukuyang showbiz news presenter ng "Frontline Pilipinas" sa TV5. 

MAKI-BALITA: https://balita.net.ph/2023/06/27/kapatid-na-kapamilya-pa-kaladkaren-2-in1-sayang-nararamdaman/