Nasa 347 pang bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) ang naitala sa bansa nitong Sabado.

Sa datos ng Department of Health (DOH), mas mababa ang nasabing bilang ng kaso kumpara sa naitalang 397 nitong Biyernes, Hulyo 7.

Dahil dito, aabot na sa 4,167,606 ang kaso ng Covid-19 sa bansa.

Kabilang sa nasabing bilang ang 6,553 na aktibong kaso ng sakit.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Umabot na sa 4,094,569 ang nakarekober sa sakit matapos madagdagan ng 431 nitong Hulyo 8.

Nanatili rin sa 66,484 ang binawian ng buhay mula nang magkaroon ng pandemya sa bansa noong 2020.

Nakapagtala naman ng pinakamataas na kaso ang Metro Manila, sinundan ng Central Luzon, Calabarzon, Western Visayas at Ilocos region.