Ganap na ganap na kumasa ang Kapamilya actress na si Andrea Brillantes sa hindi pa rin matapos-tapos at trending na “Bakit malungkot ang beshy ko.”

Sa TikTok post ni Andrea nitong Martes, Hulyo 4, makikita ang pag-tumbling at pag-split niya pa habang nili-lip-sync ang nasabing boses bilang bahagi ng kinatutuwaang parte ng viral video.

Tila mapapansing bigay na bigay si Andrea sa ipinakita niyang interpretasyon ng nasabing viral video na nakakuha na ng 16.2 Millions views sa kaniyang naturang social media platform.

Samu’t saring komento naman ang inihayag ng netizens sa comment section:

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

“Bakit malungkot ang ricci ko.”

“HAHAHAHA LARO! KYUTIEEE MO BLYTHE.”

“Medyo nahilo ang beshy ko ng mga 2 seconds.”

“Bakit nag-amats ang beshy ko.”

“Bakit pinapalit sa beauty queen ang beshy ko.”

“Nilaro na lang talaga tayo ng ate mo Andrea!”

“Iyak tawa beshy.”

Matatandaang, kamakailan lang ay ang mag-bessy na sina Lovi Poe at Toni Fowler ay sumakay at gumawa rin ng kanilang entry sa nasabing bagong trend.