Inalmahan ni Alyssa Alvarez, nanay ni sexy star AJ Raval at asawa ng action star na si Jeric Raval, ang bashers na nagsabing dapat daw ay na-gong siya ng mga hurado ng sinalihang "Tawag ng Tanghalan" sa "It's Showtime" dahil marami raw siyang sintunado at hindi naabot na nota.

MAKI-BALITA: ‘Bakit hindi na-gong?’ Madir ni AJ Raval pinagtataasan ng kilay sa ‘TNT’

"Sana kayo na lang nag-judge," ani Alyssa, sa mga nagsabing dapat nakatikim siya ng gong, pero dahil may "pangalan" daw siya ay tila pinalagpas na lang.

"Anong klaseng mindset yung alam ninyo? Pag ba na-gong yung isang contestant magiging masaya kayo? Ang tatangkad naman ng mga sungay n'yo sa ulo! Magaling ba kayong kumanta? Singer din po ba kayo? Baka nga mamaya hindi pa kayo mga tax payers eh, para magkaroon kayo ng ambag sa Pilipinas. Hay naku, sayang kasi kapwa mo Pilipino ganyan."

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"Magtrabaho kayo ha, nang maayos para sa pamilya n'yo, mangarap din kayo," huling mensahe ni Alyssa sa bashers.

Giit pa ni Alyssa, hindi naman popularity contest ang sinalihan niya kundi singing contest.

Hindi naman daw siya ganoon kasikat kumpara sa isang artista noon na sumali raw sa TNT subalit na-gong. Hindi na niya binanggit kung sino ito.

Inawit ni Alyssa ang iconic song na "Sana'y Wala Nang Wakas" na tumatak kay Megastar Sharon Cuneta.