Asahang tataas pa ang jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 matapos na hindi mapanalunan ang ₱49.5 milyong premyo sa huling bola nitong Biyernes ng gabi, Hulyo 7.
Sa inilabas na draw results ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), walang nakahula sa winning combination na 03-56-02-22-46-06 na may premyong ₱49,500,000.
Wala ring nakakuha ng ₱22,063,101.40 na premyo ng Mega Lotto 6/45 na binola rin nitong Biyernes, na may winning numbers na 33-44-07-31-35-04.
2 driver ng Solid North, positibo sa drug test; posibleng mawalan ng lisensya?
Ang Ultra Lotto 6/58 ay binobola tuwing Martes, Biyernes, at Linggo habang ang Mega Lotto 6/45 naman ay kada Lunes, Miyerkules, at Biyernes.