Binanggit ng social media personality na si "Mimiyuuuh" na noong wala pa siyang pera, pinili niyang huwag makipag-date dahil mas binigyang-pokus niya ang pagpapaunlad sa kaniyang sarili, aniya sa kaniyang Facebook video para sa paglilinaw ng kaniyang viral na love advice.

Umani kasi ng iba't ibang reaksiyon at komento sa publiko ang naging life and love advice niya sa isang anonymous sender na "Never ever date someone na walang pera."

May mga tumawag pa raw kay Mimi na "matapobre" at hindi marunong lumingon sa pinanggalingan.

Kaya sa pamamagitan ng isang video ay muli niyang ipinaliwanag ang kaniyang panig.

National

VP Sara Duterte, itinangging spoiled brat siya

Hindi naman niya binawi ang nauna niyang love advice, bagkus ay mas ipinaliwanag pa ito.

"Opo! Nagkaroon po ako ng interview with Cosmo, tapos nagbigay po ako ng mga advices, ganiyan, opo... and yes I said what I said about huwag pong makipag-date sa mga taong walang pera, you know what I'm saying, walang pera na hindi naman po ibig sabihin na mag-date po kayo ng mga milyonaryo, bilyonaryo... hindi po!" paglilinaw ni Mimiyuuuh.

"Mag-date kayo ng someone na may drive, mag-date kayo ng someone na kayang dalhin yung sarili... yung hindi mangungutang sa inyo, 'yon lang po 'yon! Period!"

"Kaya nalungkot po ako sa mga tao na sinasabi po nila na matapobre raw po ako, na para bang hindi raw ako galing sa hirap..."

Iginiit ni Mimi na galing siya sa hirap at alam niya ang pakiramdam na walang pera. Imbes na humanap daw ng taong "dadagdag" sa buhay niya, pinili niyang mag-pokus sa kaniyang sarili.

"Galing po ako sa hirap, opo, nakipag-date po ba ako noong wala akong pera? Hindi po. Maybe because wala pong nagkakagusto sa akin during that time, opo, at the same time, alam ko po kasi yung priority ko, during that time."

"Priority ko pong ayusin ang buhay ko. Priority ko po ang family ko, priority ko ang career ko, opo, at priority ko pong gawing buo ang sarili ko bago po ako magdagdag ng ibang tao sa buhay ko..."

"Kasi nga po, ayaw ko pong maging pabigat sa ibang tao..."

Giit pa ni Mimiyuuuh, malaya naman daw ang sinumang i-date ang nais nilang i-date, pero kung ikaw na mismo ay hindi kayang sustentuhan ang sarili pagdating sa basic needs at wants, huwag na lamang daw magdagdag ng responsibilidad.

MAKI-BALITA: Love advice ni Mimiyuuuh: ‘Never date someone na walang pera’

MAKI-BALITA: ‘Wag makipag-date sa walang datung!’ Mimiyuuuh tinalakang matapobre