Isa sa mga celebrity na nag-react at nagbigay-komento sa muling pagbabalik-ABS-CBN ni Korina Sanchez-Roxas ay si "TV Patrol" news anchor Karen Davila.

Sa kaniyang Instagram post ay ibinida ni Koring ang mga larawan ng contract-signing event nila ng ABS-CBN executives para sa co-production ng kaniyang news magazine show na "Rated Korina" na dating co-produced ng Brightlight Productions ni Cong. Albee Benitez.

Hindi nabanggit ni Korina kung bukod ba sa Rated Korina, maaari din ba siyang mag-guest sa iba pang news program ng Kapamilya Network upang maghatid ng balita, gaya ng TV Patrol, na pinangungunahan nina Karen, Bernadette Sembrano-Aguinaldo, Henry Omaga Diaz, at Kabayan Noli De Castro.

Pero hindi naman talaga tuluyang "umalis" ng ABS-CBN ang batikang broadcaster dahil hindi man siya empleyado nito, umere naman sa Kapamilya platforms ang Rated Korina, bukod pa sa free TV gaya ng A2Z at TV5.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Isa pa, ang konsepto ng Rated Korina ay mula naman sa kaniyang mga tumatak na news and current affair shows sa network gaya ng "Balitang K," hanggang sa naging "Rated K."

Kaya pakiramdam ni Korina, hindi naman talaga siya umalis sa kaniyang original home network.

"Well, I never really left. Rated Korina had always aired still on the ABSCBN platforms the past years..."

"Now, as a balikbayan, I come in as a partner with my ABSCBN family who I grew up with via the co-production of Rated Korina. The baby is now a lady, hahaha!"

"You can take the girl out of ABSCBN. But you can't take that ABSCBN training out of the girl. And this is the experience I hopefully bring to my other broadcast homes and make a contribution as best I can, while I can, in whatever ways made possible to me."

"The 'welcome back home' is still in my ear, and my heart," ani Korina.

Sa comment section ay mapapansing nagbigay ng kaniyang reaksiyon si Karen Davila.

"Wooohooo! You never left K! You are forever etched in the history of ABS!" ani Karen.

Tumugon naman dito si Koring, "Feeling ko nga hahaha."

Wish ng mga netizen na sana raw ay magka-collab ang dalawa sa isang programa, o kaya naman ay magsama sa TV Patrol.

Matatandaang "binasag" na kamakailan nina Korina at Karen ang matagal nang umiikot na tsikang hindi raw sila in good terms noong nasa ABS-CBN pa si Korina bilang contract employee.

Nakapag-guest na si Korina sa vlog ni Karen, at si Karen naman ay nakapanayam na ng una sa kaniyang "Korina Interviews" sa NET25.

Kaya tanong ng mga netizen, posible nga bang makita na silang magkasama sa isang programa?

MAKI-BALITA: Korina Sanchez, ‘balikbayan’ sa ABS-CBN: ‘Well, I never really left!’

MAKI-BALITA: Karen, aminadong di kaibigan si Korina noon pa man: ‘Ayoko namang magpakaplastik, we were not friends…’

MAKI-BALITA: Karen Davila, aminadong takot kay Korina Sanchez; nagkaharap matapos ang 22 taon