Laugh trip ang komento ng netizens sa isang eksena ng ABS-CBN-GMA Network-Viu Philippines series na "Unbreak My Heart" na pinagbibidahan nina Jodi Sta. Maria, Richard Yap, Gabbi Garcia, at Joshua Garcia.

Paano naman kasi, nagkaharap na ang mga karakter nina Jodi, Gabbi, at Joshua.

Ang mga karakter kasi nina Jodi (Rose) at Gabbi (Alex/Xandra) ay mag-ina na matagal na nawalay sa isa't isa. Pareho nilang nakilala ang karakter ni Joshua (Renz) sa hindi inaasahang pagkakataon.

Unti-unti ay tila nagkaayos na ang mag-ina kaya naman ipinakilala ni Alex kay Rose ang kaniyang special someone na si Renz.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Kaya naman tila awkward ang mga eksena dahil alam nina Rose at Renz kung ano ang nangyari sa kanila.

Tila nahalata ni Alex ang awkwardness kaya humirit ito kay Renz, "Bakit nahihiya ka kay Mommy? Hindi ka niyan kakagatin, promise!"

Na ginawan naman ng art card ng GMA Network na makikita sa kanilang opisyal na Facebook page.

"Bakit may kagatan mga mhie!!!" saad sa caption.

Natawa naman ang mga netizen dahil more than kagat pa nga raw ang nagawa ni Joshua kay Jodi. Matatandaang bago maging trending ang tila "pagmukbang" ng tinaguriang "Higop King" na si Joshua kay Gabbi, nauna na muna niyang higupin ang tinaguriang "Silent Superstar" at kapwa Kapamilya.

"Hindi ka n'yan kakagatin 'lalaplapin lang.'"

"Hindi n'ya kakagatin Gab, minukbang na n'ya kase 'yan kaya ganyan nahihiya na siguro."

"HAHAHA paano eh kinagat na niya ang mommy mo..."

"Paanong di mahihiya yung nilaplap n'ya pala is mommy ng gf n'ya HAHHAHAHAHAHA."

"Yung mommy mo kinain na ni manugang niya hahaha."

"Hinigop 🤸🏻‍♂️ na 🤸🏻‍♂️ niya 🤸🏻‍♂️ ang 🤸🏻‍♂️ mommy 🤸🏻‍♂️ mo 🤸🏻‍♂️ beshy 🤸🏻‍♂️ ko 🤸🏻‍♂️."

Sa panayam ng "Fast Talk with Boy Abunda" kay Joshua kamakailan, inamin ni Joshua na dumaan muna sila sa sensuality workshop nina Jodi at Gabbi bago sumabak sa ilang maiinit nilang eksena.

Inamin din ni Joshua na iba ang paraan niya ng paghalik sa trabaho sa personal.

Samantala, patuloy na napapanood ang Unbreak My Heart sa Primetime ng Kapuso Network, ang unang makasaysayang collab ng dating magkaribal, ngayon ay nagkakaisang higanteng TV networks sa bansa.

MAKI-BALITA: ‘Matapos kina Janella, Jane!’ Joshua, hinigop si Jodi

MAKI-BALITA: ‘Magtira ka naman kay Khalil!’ Joshua halos mukbangin si Gabbi

MAKI-BALITA: ‘Werpa ng dila!’ Joshua Garcia umamin kung paano ‘humigop’ sa personal na buhay