Tutulungan pa ng gobyerno ang mga magsasaka na kumita sa pamamagitan ng Farm-to-Market Direct Supply Linking in Metro Manila project nito.

Nitong Huwebes, nagpulong ang mga opisyal ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Department of Agriculture (DA) at 17 na local government unit (LGU) upang plantsahin ang implementasyon ng proyekto.

National

VP Sara sa kaniyang plano sa politika: ‘It is always God’s purpose that shall prevail!’

Sa social media post ng MMDA, binanggit na ang nasabing pagpupulong ay pinangunahan nina MMDA Acting Chairman Romando Artes, MMDA General Manager Undersecretary Procopio Lipana, Assistant General Manager for Operations Assistant Secretary David Angelo Vargas, at DA-Market Development Division Agribusiness and Marketing Assistance Service (AMAS) officer-in-charge Joyce Mojica Bengo.

 Tinalakay ng mga opisyal ang 5-Point Farm-To-Market Direct Supply Linking, katulad ng area mapping, crop monitoring, market linking, delivery routing, at produce dispatching.

Layunin ng proyekto na matulungang kumita ang mga magsasaka at mapababa ang presyo sa mga palengke, lalo na kung nagkakaroon ng oversupply ng mga gulay at iba pang agricultural products.