Walang sinuwerteng nakapag-uwi ng ₱38.1 milyong jackpot prize ng Super Lotto 6/49 ngayong Huwebes ng gabi, Hulyo 6.

Sa inilabas ng draw results ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), walang nanalo sa Super Lotto na may premyong ₱38,193,042.40 dahil hindi nahulaan ang winning numbers na 41-20-38-46-03-47. Gayunman, may limang lucky bettors ang nanalo ng tig-₱50,000 bilang second prize. 

Wala ring nakahula sa 39-05-29-08-33-41 na winning combination ng Lotto 6/42, na may kaakibat na ₱5,940,000 na pa-premyo. May 20 lucky bettors naman ang mag-uuwi ng tig-₱24,000 para sa second prize. 

May be an image of ticket stub and text

Eleksyon

COC Filing Day 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Samantala, handang mapanalunan ngayong Friday draw (Hulyo 7) ang ₱49.5 milyong premyo ng Ultra Lotto 6/58 at ₱21.5 milyon ng Mega Lotto 6/45.