Ipinagdiriwang ng social media couple na sina Lincoln Cortez Velasquez o mas kilala sa pangalang “Cong” at si Viy Cortez ang unang kaarawan ng kanilang anak na si “Baby Kidlat.”

Sa Instagram post ni Viy ngayong Miyerkules, Hulyo 5, makikita sa mga larawan na masayang sinalubong ng dalawa ang unang kaarawan ng kanilang anak alas-dose ng hating-gabi.

Ayon naman kay Viy, ang anak niyang si Baby Kidlat ang pinakamagandang nangyari sa kaniyang buhay.

“Unang rinig ko palang sa tibok ng puso mo at sa unang iyak mo alam kong mababago ang buhay ko, hindi ako magsasawang sabihin sa iyo na ikaw ang pinakamagandang nangyare sa buhay ko,” aniya.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nagpasalamat din si Viy na dumating sa kaniyang buhay ang kaniyang anak.

“Maraming salamat at dumating ka sa buhay ko anak, Happy Birthday anak ko, sana matuwa ka sa birthday na inihanda namin sayo ni papa mo mahal na mahal ka namin @zeusemmanuelvelasquez 🎂🎉♥️,” dagdag pa niya.

Matatandaan namang nakilala ng netizens sa YouTube ang mag long-time partner at ngayo’y engaged na sa isa't isa na sina Cong at Viy na mayroong kani-kanilang YouTube channel.