Kinaantigan ng netizens ang Instagram post ng actor-TV host na si Ryan Agoncillo matapos siyang isorpresa ng kanilang anak ni Judy Ann Santos na si Juana Luisa Santos Agoncillo o mas kilala na si Luna.

Sa Instagram post ni Ryan kahapon ng Martes, Hulyo 4, makikita sa larawan ang inihandang surpresa ni Luna na mayroong mga lobong nakadikit sa kanilang dingding at hand made niyang lettering na may kontekstong “DADDY.”

woke up to this baby’s surprise❤️,” mababasang caption sa kaniyang Instagram post.

Maraming netizens tuloy ang nagbigay-komento ng kanilang pagbati kay Ryan kahit hindi talaga niya kaarawan kahapon.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Sa kabila nito, nilinaw ni Ryan sa netizens na hindi niya kaarawan ngayon at talagang ibinahagi niya lang ang sorpresang ginawa ng kaniyang anak na si Luna.

di ko birthday bro, Luna just decided it’s daddy’s morning😂,” anang Ryan bilang paglilinaw, na mababasa sa mismong comment section ng kaniyang Instagram post.

Bidang-bida naman sa netizens si Luna na nagbigay-komento:

Hahaha for tita Mia nalang sweet Luna!!!”

“Ang Sweet Naman ni Pretty Luna.”

“So sweet naman pretty luna.”

“Aww ang sweet naman!”

“Sweet sweet naman ni luna!”

Para sa kaalaman, noon pang Abril 10 nagdiwang ng kaarawan ang "legit-Dabarkads" host na si Ryan.