Nagdulot ng katatawanan sa social media ang ibinahaging Facebook post ng isang delivery rider na si "Lawrence Bauda" mula sa Pampanga, matapos siyang i-book ng isang customer, hindi para magdeliver ng kahit ano, kundi para lamang magmanman.

Batay sa mensahe sa kaniya ng customer sa screenshot ng app, nais raw nitong manmanan niya ang nagaganap na inuman sa isang subdibisyon kung saan naki-join ang boyfriend ng kaniyang kaibigan.

Nangyari daw ito bandang 2:23 ng madaling-araw.

"Wala naman pong need i-deliver. Need lang po sana tulong niyo para malaman yung totoo," mababasa sa mensahe ng nag-book na customer.

Human-Interest

Guro, nakatanggap ng manok, mga rekadong pantinola mula sa pupil

"Umiinom po kasi ngayon yung bf ng kaibigan ko diyan sa Camella.. Papa picture lang po sana or vid kung sino yung mga kasama.. Sobrang laking tulong po nito..." dagdag pa.

"HOY KANINONG GIRLFRIEND TO HAHAHA," nasabi na lamang ng delivery rider nang ibahagi niya ito sa isang online community ng riders at customers.

Larawan mula sa FB ni Lawrence Bauda

Kuwento naman ni Lawrence sa isang pahayagan, may ibang delivery rider daw na kumuha ng booking.

Bumuhos naman ang simpatya ng mga netizen sa nabanggit na customer. Habang isinusulat ang balitang ito, umabot na sa 31k reactions, 11k shares, at 1.8k comments ang nabanggit na viral FB post.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!