Giliw na giliw na umindayog ang mag-inang sina Vilma Santos at Luis Manzano sa 90’s hit song na “Always.”

Sa Instagram story ni Luis kahapon ng Martes, Hulyo 3, mapanonood ang kuhang video nila ng kaniyang inang si Vilma na tila bigay na bigay rin sa pag-indayog at hindi nagpakabog sa sayawan ni Luis.

Kapansing-pansing mukhang walang nangyaring practice sa kanilang dalawa dahil sa madalas na hindi nila pagkakasabay sa nasabing choreo ng sayaw.

Makikita sa Star For All Seasons ang galak sa kaniyang mukha na tila ligayang-ligaya talaga sa kaniyang pag-indayog.

Eleksyon

Diwata, nabudol nga ba ng sinalihang party-list?

Hindi naman na bago para kay Luis na gawing katatawanan na lang ang kaniyang paggiling dahil wala naman itong talento pagdating sa pagsayaw.

Ang British synth-pop duo na Erasure ang kumanta ng “Always” na inilabas noong Abril 11, 1994. 

Wala namang binanggit si Luis na kahit anong konteksto sa kanilang nasabing video ng inang sa Vilma sa kaniyang Facebook story.