Balik-alaala ang netizens sa aktres na si Karen Delos Reyes nang namataang dumalo sa isang event na ginanap sa Cove Manila, Okada.

Sa Facebook post ng “Barbie” noong Hulyo 3, namataan si Karen kasama ang anak niyang si Gabriel Lucas na nakasuot ng tila cowboy outfit. 

May be an image of 3 people, child and people smiling

Photo courtesy: Barbie/FACEBOOK

Dahil sa post, tila nag-”Flashback Friday” ang netizens kahit hindi pa araw ng Biyernes.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa comment section makikita na tinutukso nila ang aktres na para bang hindi pa nakakamove-on sa nangyari noon.

“BARBIE DELOS SANTOS (HOY DELOS REYES!!!).”

“Si karen delos reyes po ba ito?”

“Barbie Delos Reyes ba ito?”

“Si barbie nga walang apelyido.”

“Hoi delos santos!”

Kung babalikan, nagmula ang umano’y panunukso kay Karen dahil sa naging engkwentro nila ng komedyanteng si Boobay noong Hulyo 10, 2021.

Matatandaang nagkasama ang dalawa sa reality competition show na “Extra challenge” na ipinalabas sa GMA Network kung saan naturang host si Boobay at challenger naman si Karen.

Nagsimula umanong mapikon si Karen kay Boobay dahil ibang apelyido ang binabanggit niya, imbes kasi na “Delos Reyes,” Delos Santos nang Delos Santos ang patuloy niyang binabanggit na apelyido ng aktres. 

Kalauna’y nagkasagutan na umano ang dalawa at pumagitna na rin ang naroong bahagi rin ng show na si Marian Rivera.

Samantala, umabot naman na ng 3.2K reacts at 2.6K shares ang larawang iyon ni Karen kasama ang kaniyang anak.