Naging emosyonal ang actress-TV host na si Jolina Magdangal matapos niyang ibahagi sa kaniyang followers ang panandaliang pagkakahiwalay nila ng kaniyang anak na si Pele Iñigo.

Sa Instagram post ni Jolina kahapon ng Martes, Hulyo 4, hindi maitatangging kitang-kita sa kaniyang mga mata ang lungkot na nararamdaman dahil dito.

Ayon kay Jolina, ito ang unang pagkakataong malalayo nang matagal sa kaniya ang anak niyang si Pele.

“First time na malalayo si Pele sa akin nang matagal. Kahit anong isipin ko at kahit anong gawin ko para mabusy nang sa ganun hindi ko masyado maisip.. pero hindi kinaya,” aniya.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Dagdag pa ni Jolina, ilang gabi na siyang umiiyak nang palihim para kahit papaano ay mabawasan ang bigat sa kaniyang dibdib ngunit hindi niya talaga kaya.

Tila doble pa ang kirot para kay Jolina dahil dalawa silang aalis ng kaniyang ama na si Mark Escueta.

Laging dasal naman ni Jolina sa araw-araw na sa kabila ng hindi niya kasama si Pele, sana iyon na ang panahon para mag-grow at mas maging mabuting bata ang kaniyang anak.

“Pero ang laging dasal ko ay sa araw araw na hindi kami magkasama at hindi ko sya maaakap, sana mag grow ang heart nya na mas lalo pa syang maging mabuting bata, mas mapagmahal at maalaga, mas lalong maging creative, mas grateful at lalong lalo na mas lalo pang lumago ang JOY sa kanyang puso.❤️.” aniya.

Nagpasalamat naman si Jolina sa kaniyang asawa na si Mark dahil sa laging paggawa ng paraan para siya ay mapanatag.

Pinasalamatan niya rin ang kaniyang bunsong anak na si Vika Anaya dahil ang anak pa niya talaga ang umaalalay sa kaniya ngayon.

Tila napaisip pa si Jolina kapag nag-aral na si Pene at gustuhin niyang mag-aral sa ibang bansa.

“Haaaaay!!!! 2 months lang malalayo nagkaganito na ako.. pano pa kaya kung ginusto niya mag aral sa ibang bansa? Paano na ako,” aniya.

Sa huli, nagtanong pa si Jolina sa kaniyang followers kung paano nakakaya ng ibang nanay na malayo sa kanilang mga anak.

“Naexperience nyo na ba ito sa anak nyo? At sa mga nanay na may anak na malayo sa kanila.. paano nyo nakakaya?” dagdag pa niya.

Tungong Amerika ang mag-ama ni Jolina dahil sa concert tour ng asawa niyang si Mark at isasama nga niya ang anak nilang si Pele.