Bongga ang naging binyag at birthday celebration ng bunsong anak ni Kapamilya star Dimples Romana na si "Baby Elio" na makikita sa kaniyang Instagram posts noong Hulyo 3, 2023.

Labis-labis naman ang pasasalamat ni Dimples sa lahat ng mga ninong, ninang, at iba pang bisita. Ang nagbinyag kay Baby Elio ay si Father Tito caluag na dream come true umano para kay Dimples.

"What a dream to have our family favorite Father @titocaluag officiate the christening of our baby bunso #ElioJuanManolo (white heart emoji)," aniya.

"We truly are very grateful sa lahat ng nagpunta, naggayak, nagmamahal na Ninongs and Ninangs of Elio. Many were not able to come, but sent their love and as the Ninongs and Ninangs of Callie and Alonzo know, we often discourage for them to bring presents because it is their presence in the lives of our children that we truly value the most."

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Sa kaniyang latest social media posts nitong Miyerkules, Hulyo 5, ibinahagi ni Dimples ang mga larawan ng mga bigating bisita sa kanilang party.

Dinaluhan ito ng mga bigating Kapamilya stars at executives gaya nina ABS-CBN Chief Operating Officer Cory Vidanes, "Magandang Buhay" momshie hosts Jolina Magdangal, Melai Cantiveros, at Regine Velasquez-Alcasid, Belle Mariano, Kaila Estrada, Bea Saw, Charlie Dizon, at iba pa.

Present din ang spiritual leader, book author, at preacher na si Bo Sanchez.

Isa sa mga naging host nito ay ang DJ-TV host na si DJ Jhaiho.

Sa comment section sa kaniyang Facebook post, hinanap ng isang netizen ang kaniyang matalik na kaibigang si Angel Locsin.

"Happy birthday baby, bakit po wala si miss angel?" tanong ng netizen na nagngangalang "Daisy."

Bukod kay Angel, hinanap din ng ilan ang isa pang Kapamilya star na si Julia Montes.

Screenshot mula sa FB ni Dimples Romana

Hindi naman tumugon si Dimples sa mga tanong na ito ng netizens.

Matatandaang hanggang ngayon ay nasa showbiz at social media hiatus pa rin si Angel, na nagsimula matapos ang kampanya noong nagdaang halalan, taong 2022.

Kung bibisitahin ang isang verified Facebook account ni Angel, pulos throwback photos ng versatile actress ang makikita rito.

Ang huling update ay noong Hulyo 3, 2023 kung saan ibinahagi ang mga larawan ni Angel, na close-up pa ang kaniyang angelic face.

MAKI-BALITA: ‘Welcome to the Christian world!’ Bunsong anak ni Dimples, bininyagan kasabay ng 1st b-day