Naikuwento ng showbiz columnist na si Cristy Fermin sa kaniyang programang "Cristy Ferminute" nitong Lunes, Hulyo 3, 2023, na naimbitahan daw pala ng magkapatid na Romy at Mayor Bullet Jalosjos si Wowowin host Willie Revillame noong Hulyo 1, upang mag-guest sana sa pasiklaban ng kanilang mga katapat na show, ang "E.A.T." ng TVJ sa TV5, at "It's Showtime" naman sa GTV.

Tsika ni Cristy, si Willie sana ang ipantatapat ng TAPE kina Megastar Sharon Cuneta na nag-iisang guest ng TVJ sa kanilang noontime show, at sa Kapuso stars na bumisita naman sa bonggang production number ng Showtime.

Ngunit tinanggihan daw ni Willie ang alok.

Ang dahilan?

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Ayaw daw nitong tapatan at kalabanin ang TVJ.

"Ang gusto po nila, lumabas si Willie (Revillame) sa di-lehitimong Eat Bulaga! at tatapatan ang unang sultada ng Tito, Vic, and Joey at Dabarkads dito po sa TV5. Gusto nila noong Sabado. Isa lang ang sinabi ni Willie, 'Matindi ang respeto ko sa Tito, Vic, and Joey. Hindi ko magagawa 'yon.' Ang ganda 'di ba?" sey ni Cristy.

Subalit may "pero" daw si Willie.

"Pero, kung ang dahilan kung bakit n'yo ko kaharap ngayon ay ang Wowowin, sige pag-usapan natin," saad pa raw ni Willie.

Kung matatandaan, noong nasa ABS-CBN pa si Willie, nakatapat na rin niya ang TVJ sa noontime dahil sa kanilang "Magandang Tanghali Bayan" o MTB at "Wowowee."