Matapos sambiting tinanggihan ni Wowowin host Willie Revillame ang alok ng magkapatid na Jon-jon at Bullet Jalosjos na mag-guest sa "Eat Bulaga!" upang tapatan ang pagbabalik-noontime ng TVJ sa bagong tahanang TV5, nabanggit ni Cristy Fermin na tila masama raw ang loob ng pamunuan ng TAPE, Inc. sa GMA Network dahil hindi raw "naipahiram" sa kanila ang Kapuso stars na matagal na nilang inaawitan, pero napa-guest naman sa grand launching ng "It's Showtime" sa GTV.

"Ang sama-sama ng loob ng mga taga-TAPE, Inc. kasi yung mga artista ng GMA-7 na matagal na nilang iniimbitang lumabas sa kanilang programa, kamukat-mukat mo, nasa It's Showtime noong Sabado!" pahayag ni Cristy.

"Napakasakit nga naman no'n... sampal na mag-asawa 'yon!" habol pa ni Cristy.

Sundot naman ni Romel Chika, "Nakakalungkot 'yon 'Nay para sa TAPE!"

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

Dagdag pa nila, pinatunayan daw ng TVJ na sila talaga ang inaabangan ng taumbayan matapos magwagi ang views nito online gayundin sa TV ratings.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang pamunuan ng TAPE o maging ng GMA patungkol dito.

MAKI-BALITA: Willie inisnab ang imbitasyong mag-guest sa ‘Eat Bulaga!’ ng TAPE