Umani ng iba't ibang reaksiyon at komento sa publiko ang ginawang panunukso ni Megastar Sharon Cuneta kay "E.A.T." host Maine Mendoza sa dati nitong katambal na si Kapuso star Alden Richards, na sumikat nang husto bilang "AlDub."

Special guest sa pagsisimula ng "E.A.T." ng TVJ sa TV5 Kapatid Network si Mega noong Sabado, Hunyo 1.

Kalat na sa Twitter ang video clip ng "biro" ni Mega sa isa sa mga legit Dabarkads host na si Maine Mendoza.

Sey ni Shawie, nagsho-shooting siya ng bagong pelikula at kasama niya rito ang kaniyang bagong "son."

National

Painting ni Amorsolo sa private museum sa NegOcc, ninakaw!

Ito ay walang iba kundi si Alden Richards na legit Dabarkads din, kung saan nabuo ang Phenomenal love team na "AlDub."

"Gusto ko lang sabihin kay Maine, Maine congrats ha, nagsho-shooting ako ngayon, may kasama ako, yung anak kong bago, yung bago kong son, pangalan niya Alden," hirit ni Shawie.

"Congrats po... congrats po sa movie ninyo," ngiting-ngiting sabi ni Maine kay Mega.

"Hi Alden! Nandito si Maine," sey naman ni Mega.

Bagama't marami ang kinilig na AlDub fans, tila hindi naman ito nagustuhan ng karamihan.

Aware daw ba si Ate Shawie na ikakasal na si Maine sa kaniyang fiancé na si Kapamilya actor-public servant Arjo Atayde?

"Kadiri walang respeto sa ikakasal mema lang para sa pelikula. Basurang gimik."

"Omg wait. Hold on. This was so awkward. What was that? Why did Sharon say that to Maine?! I thought she was congratulating her on her engagement to Arjo."

"Awkwaaaaaaaaaaard! 😶 ikakasal na yung tao ate!"

"Ikakasal na si Maine kay Arjo!"

"Luh? For promotion ng movie ang ferson, naisingit pa talaga si Alden."

Pero pagtatanggol naman din ng marami, baka ang ibig sabihin ni Sharon ay ang "AlDub" na tambalan at wala itong kinalaman sa personal na buhay ni Menggay.

"Nothing wrong sa sinabi ni Mega. Ang tinutukoy niya diyan, 'yong AlDub, not Alden and Maine. Of course, aware si Sharon na ikakasal na si Maine."

"AlDub pa rin talaga! Sayang nasa 7 si Alden. Sana payagan siyang mag-guest."

"No big deal, yes Maine is getting married to Arjo but it doesn’t mean that she stopped being friends with Alden, people react as if they’re ex lovers just ex partners at work and Mrs. Sharon knows that Maine is getting married that’s why she first congratulated her."

Bukod kasi sa TVJ at iba pang legit Dabarkads host, hindi maitatatwang isa ang AlDub sa mga hindi malilimutang pangyayari sa Eat Bulaga! na nilayasan nila. Talaga namang ito ang naging daan upang mailagay sa superstar status sina Alden at Maine.

Matatandaang sinabi ni Alden na kahit wala na ang mga kasama sa GMA Network ay mananatili siyang legit Dabarkads. Hindi siya nakasama sa paglipat-bahay ng TVJ dahil may network contract siya.

Sinabi naman ni Maine na sana raw ay makasama pa nila si Alden kung mabibigyan ng pagkakataon.

MAKI-BALITA: Sharon biniro si Maine sa bago niyang ‘son:’ ‘Pangalan niya Alden!’