Bumuga muli ng lava at mga bato ang Bulkang Mayon sa nakaraang 24 oras.

Sa 24-hour observation period ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), umabot sa 2.8 kilometro ang ibinugang lava ng bulkan sa bahagi ng Mi-isi Gully.

Umabot naman sa 1.3 kilometro ang naapektuhan ng pagragasa ng lava sa bahagi ng Bonga Gully. 

Naitala rin ang isang pagyanig ng bulkan, 257 rockfall events, at 6 dome-collapse pyroclastic density current (PDC) events.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Nagbuga rin ito 1,558 tonelada ng sulfur dioxide nitong Hulyo 3.

Bukod dito, nagpakawala rin ng usok ang bulkan na umabot sa 200 metrong taas at tinangay ng hangin pa-kanluran-hilagang kanluran at kanluran-timog kanluran.

Babala pa ng Phivolcs, bawal pa ring pumasok sa 6-kilometer radius permanent danger zone (PDZ) dahil sa nakaambang pagsabog ng bulkan.