Inanunsyo ng Professional Regulation Commission (PRC) nitong Lunes, Hulyo 3, ang venue at petsa para sa isasagawang face-to-face mass oathtaking para sa mga bagong Certified Public Accountants (CPAs) ng bansa.

Sa Facebook post ng PRC, ibinahagi nitong nakatakdang maganap ang in-person oathtaking sa Hulyo 7 sa Cagayan de Oro, Hulyo 10 sa Cebu City, Hulyo 8 sa Davao, at Hulyo 11 sa Bacolod.

“All successful examinees who are interested to attend the face-to-face mass oathtaking shall register not later than 12:00 NN of the day prior to the date of the oathtaking at http://online.prc.gov.ph to confirm their attendance,” anang PRC.

“Inductees are required to PRINT their Oath Form with the generated QR code which will be submitted during the oathtaking in order to be tagged as ‘attended’,” dagdag nito.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Inabisuhin din ng PRC ang mga lalahok sa in-person oathtaking na dalhin ang kanilang Vaccination Card o ang kanilang Negative RT-PCR/COVID-19 anti-gen swab results na kinuha sa loob ng 48 oras bago ang oathtaking.

Para naman sa mga hindi makakadalo sa face-to-face mass oathtaking, maaari pa rin umano silang dumalo sa online oathtaking o humiling ng isang special oathtaking. 

“After the oathtaking, inductees shall proceed with their Initial Registration by securing an online appointment at http://online.prc.gov.ph,” saad ng PRC.