Bukod sa ganda ng isla, pasabog na kaseksihan ang ipinakita ng “Hollywood star” at Philippine Tourism Global Ambassador na si Vanessa Hudgens sa kaniyang latest photoshoot.

Sa Instagram post ni Vanessa ngayong Martes, Hulyo 4, unang makikitang larawan ang topless niyang paandar na tinatakluban lang gamit ang kaniyang braso’t kamay habang may tapis namang scarf para sa pambaba nito.

Pamosong white see through ang kaniyang atake para sa pangalawang portrait na parang isang diyosa ng karagatan.

All black 2 piece swimsuit naman ang huli niyang oufitan na litaw na litaw ang kaseksihan at kaniyang angking ganda.

Eleksyon

COC Filing DAY 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Island girl,” mababasang caption sa Instagram post.

Ang sikat na celebrity photographer namang si BJ Pascual ang kumuha ng kaniyang mga pasabog na larawan, para sa isang lifestyle magazine.