Bibida ang aktor na si Ruru Madrid sa bagong full action series na “Black Rider” na mapanonood sa GMA Network.

Sa Instagram post ni Ruru nitong Biyernes, Hunyo 30 makikita ang mga behind the scenes na kuhang larawan para sa ginawang teaser shoot.

Mapapansing tila intense at malalang bakbakan talaga ang aabangan at masusubaybayan ng netizens sa nasabing bagong teleserye.

Sa kabilang banda, kumpirmado rin na makasasama ni Ruru si Matteo Guidicelli kung saan ito ang magiging unang telerserye niya sa Kapuso Network.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Day 0 - teaser shoot. BLACK RIDER 🏍️🗡️ Soon.” mababasang caption sa Instagram post.

Nagbigay-komento naman ang followers ni Ruru sa kanilang pagbati:

“Pogiiiiii!!!! We love you legit dabarkad! Will definitely watch this."

“Aabangan ko po yan lodi."

“Goodluck on your first day, Mr. Black Rider."

“Ow grabe toh excited to watching action drama Ruu!”

“Grabe napakaangasss.”

Matatandaang si Ruru rin ang bumida sa drama action series na “Lolong” na napanood din sa Kapuso Network na unang umere noong Hulyo 4, 2022.