Ipinasilip ni Miss Universe Philippines 2016 Maxine Medina ang ilan sa mga kuhang larawan ng kanilang prenup shoot ng kaniyang soon-to-be-husband na si Timmy Llana.

Sa Instagram post ni Maxine kahapon ng Lunes, Hulyo 3, makikita ang ilang mga larawang kuha sa kanilang prenup shoot na talagang hindi maitatanggi na kitang-kita pa rin ang pagka-beauty queen niya.

Ibinida nila sa kanilang prenup shoot ang suot na all white dress ni Maxine habang gray tuxedo suit naman para sa kaniyang nalalapit nang maging asawang si Timmy.

Tila binibilang naman na ni Maxine ang mga araw tungo sa kanilang magpakailanman.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

“Counting down the days till forever!” aniya.

“With just 3 months to go, we're turning up the excitement to the max! 💍❤️,” dagdag pa niya.

Una namang nakilala ni Maxine ang kaniyang kasintahang si Timmy noong siya’y nasa high school pa lamang.