Kasadong-kasado na ang season 2 ng “Drag Race Philippines” kung saan ipapakilala na ang mga bagong magpapasiklaban at magtatarayang kalahok.

Sa opisyal na Facebook post ng nasabing show kahapon ng Lunes, Hulyo 3, inanunsiyo na sa “sangka-beshiehan” na sa darating na Hulyo 11 na tuluyang makikilala ang mga bagong Pinoy drag queens.

Mabuhayyy!! #DragRacePH Season 2 is coming soon! Meet your new batch of queens July 11th! ,” mababasang caption sa Facebook post.

Excited at kaniya-kaniyang hula na ang Pinoy drag race fans sa mga kalahok kung saan maugong na bahagi sa mga bagong drag queen ng nasabing show.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

“If the rumored cast were true, I'll go with Bernie and Miss Jade!”

“This is it! This is it! This it! Let's gooooowwww!!!”

“Si Captivating Katkat Kasali sa Season 2 ng Miss Gay Philippines Taguig! HAHAHAHAHAHA.”

“I mean... Werqqq!!! Lezgaw, ladies!”

“Team Astrid Mercury!!!!”

“YASSSSSS CAN'T WAIT.”

Matatandaang opisyal na inanunsyo ng Drag Race Philippines noong Miyerkules, Hunyo 28 sa kanilang Facebook page ang kasado na nilang season 2.