Sumakay at gumawa na rin ng kanilang entry sa bagong trend online ang Kapamilya aktres na si Lovi Poe at social media personality na si Toni Fowler sa nauusong “Bakit malungkot ang beshy ko.”

Sa Instagram post ni Toni kahapon ng Lunes, Hulyo 3, makikita ang pag-tumbling nila ni Lovi Poe at pag lip-sync sa nasabing boses bilang bahagi ng kinatutuwaang parte ng viral video.

Imbes na beshy, pinalitan naman ito ni Toni ng bessy sa kaniyang caption dahil bessy ang tawagan nila ni Lovi sa kanilang teleserye na “FPJ’s Batang Quiapo.”

“Bakit 🤸‍♀️ malungkot 🤸‍♀️ ang 🤸‍♀️ bessy 🤸‍♀️ ko 🤸‍♀️,” aniya.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Kinagiliwan naman ng netizens ang entry nilang mag-bessy:

“HAHAHAHAHA!!! Salamat sa mga beshy ko! Napaligaya ako ng singit mo mami onii!! Ang kinis shutaakels!”

“Hoyyyyy akala ko kayo nag simula nyan memes.”

“HAHAHAHAHHA ANG CUTEEE!”

“Hahaha..mami oni ang taas ng tumbling ha.”

“HAHAHAHA GRABEE NGAAA YON!”

“OG Bessyyyy.”

Nagmula naman sa Kapuso anthology na “Magpakailanman” noong Disyembre 3, 2023 ang kuhang eksena na iyon ng dalawang magkaibigan habang nagpapasiklaban sa kanilang mga acrobatic stunt kung saan trending at ginagaya ngayon ng netizens.