Balita
  • BALITA
    • Probinsya
  • SHOWBIZ
  • SPORTS
  • FEATURES
  • OPINYON
  • January 28, 2026

    Home
    arrow
    BALITA
    arrow

    DOH, nakapagtala ng 2,747 bagong Covid-19 cases mula Hunyo 26 - Hulyo 2

    DOH, nakapagtala ng 2,747 bagong Covid-19 cases mula Hunyo 26 - Hulyo 2

    By
    Mary Ann Santiago
    July 04, 2023
    In
    BALITA
    DOH, nakapagtala ng 2,747 bagong Covid-19 cases mula Hunyo 26 - Hulyo 2
    DOH/MB

    DOH, nakapagtala ng 2,747 bagong Covid-19 cases mula Hunyo 26 - Hulyo 2

    By Mary Ann Santiago
    July 04, 2023
    In BALITA

    Ibahagi

    Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 2,747 bagong kaso ng Covid-19 sa bansa mula Hunyo 26 hanggang Hulyo 2.

    Batay sa National Covid-19 Case Bulletin na inilabas ng DOH nitong Lunes, nabatid na ang average na bilang ng bagong kaso ng sakit kada araw ngayong linggo ay nasa 392.

    ‘Kaway-kaway mga trentahin at kwarentahin!’ Sikat na Pinoy chocolate, magbabalik na!

    ‘Kaway-kaway mga trentahin at kwarentahin!’ Sikat na Pinoy chocolate, magbabalik na!

    Ito ay mas mababa ng 20% kung ikukumpara sa mga kasong naitala noong Hunyo 19 hanggang 25.

    Anang DOH, sa mga bagong kaso, 32 ang may malubha at kritikal na karamdaman.

    Mayroon din namang naitalang dalawang pasyente na pumanaw dahil sa karamdaman, ngunit wala sa mga ito ang naganap noong Hunyo 19 hanggang Hulyo 2.

    Iniulat pa ng DOH na noong Hulyo 2, 2023, mayroong 442 na malubha at kritikal na pasyente na naka-admit sa mga ospital dahil sa Covid-19.

    Sa 1,998 ICU beds para sa mga pasyenteng may Covid-19, 273 o 13.7% ang okupado habang nasa 3,010 o 17.7% naman ng 17,026 non-ICU Covid-19 beds ang kasalukuyan ding ginagamit.

    Kaugnay nito, mahigpit pa ring pinapaalalalahan ng DOH ang lahat na huwag maging kampante sa banta ng Covid-19.

    "Bagkus, dapat natin ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards sa ilalim ng Alert Level 1," anang DOH.

    Paalala pa ng DOH,  palagiang magsuot ng best-fitted face mask at kung maaari, manatili sa well-ventilated na mga lugar.

    Payo nito, "Sa oras na makaramdam ng sintomas, AGAD NA MAG-ISOLATE. Para sa karagdagang proteksyon laban sa banta ng Covid-19, agad-agaran na tayong magpabakuna at booster."

    COVID 19 doh

    Inirerekomendang balita

    ‘Kaway-kaway mga trentahin at kwarentahin!’ Sikat na Pinoy chocolate, magbabalik na!

    ‘Kaway-kaway mga trentahin at kwarentahin!’ Sikat na Pinoy chocolate, magbabalik na!

    Nakatakdang magbalik ang Pinoy-made chocolate na minahal ng marami simula dekada 1950s ngayong 2026. Inanunsyo ng Serg’s Chocolates sa social media page nila noong Lunes, Enero 26, ikinuwento nila bagama’t maraming pagsubok ang kinaharap nila sa mga nagdaang taon, na nagdulot para ma-delay ang pagbabalik nila. Kabilang dito ang COVID-19 pandemic at ang pag-apaw ng baha sa warehouse nila...

    Airport staff, arestado matapos mag-bomb joke sa NAIA Terminal 3

    Airport staff, arestado matapos mag-bomb joke sa NAIA Terminal 3

    Inaresto ang isang airport staff matapos itong magbitiw ng isang bomb-related joke sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 noong Lunes, Enero 26. Base sa pahayag ng Philippine National Police (PNP) Aviation Security Group (AVSEGROUP) nitong Martes, Enero 27, lumabas sa initial findings nila na habang nasa manual inspection, pabirong sumigaw ang station loader ng “OH… AYAN MAY...

    ‘Partner in crime?’ Magjowang kawatan sa Antipolo, timbog!

    ‘Partner in crime?’ Magjowang kawatan sa Antipolo, timbog!

    Lubos ang naging pagsisisi ng mag-live in partner nang makalaboso sila sa kanilang mga serye ng pagnanakaw sa Antipolo City, Rizal, kamakailan. Base sa ulat ng ABS-CBN News noong Lunes, Enero 26, halos magkakasunod na apat na araw ng pagnanakaw ang nakuhanan sa mga CCTV ng iba’t ibang establisyimento sa Rizal. Ang una ay naitala noong Enero 19, sa isang coffee shop, kung saan nakuha ang...

    Features

    FEATURES

    1

    KILALANIN: Si Maria Ozawa, ang promotor ng ‘Mariang Palad’

    January 27, 2026

    FEATURES

    2

    Misis na naglantad sa 'landian' ng mister at kabit, pinag-sorry ng korte!

    January 27, 2026

    FEATURES

    3

    ALAMIN: Ano ang kumakalat na ‘Nipah Virus’ sa iba’t ibang bansa?

    January 27, 2026

    FEATURES

    4

    KILALANIN: Ang pumanaw na beteranong aktor na si Raoul Aragon

    January 27, 2026

    FEATURES

    5

    ALAMIN: Mga hindi pangkaraniwang kaalaman tungkol sa Bibliya

    January 26, 2026

    FEATURES

    6

    ALAMIN: Paano ititigil ang procrastination?

    January 25, 2026

    FEATURES

    7

    ALAMIN: Mga puwedeng panoorin patungkol sa Mamasapano massacre at SAF 44

    January 25, 2026

    FEATURES

    8

    BALITAnaw: Dedikasyon para sa demokrasya ni ex-Pres. Cory Aquino

    January 25, 2026

    Opinyon

    Nicole Therise Marcelo #KaFaithTalks: Mga Bible verse na puwedeng maging kalakasan sa araw-araw Nicole Therise Marcelo
    Nicole Therise Marcelo #KaFaithTalks: Paano hahanapin ang katahimikan kung sarili ang kalaban araw-araw? Nicole Therise Marcelo
    Balita Online #KaFaithtalks: Puro blessings ang gusto, pero good steward ka ba? Balita Online
    Balita Online #KaFaithTalks: Susunod ka pa rin ba sa Panginoon kahit mahirap? Balita Online
    Balita Online #KaFaithTalks: May ‘purpose’ na itinakda ang Diyos sa buhay mo Balita Online
    BALITA SPORTS SHOWBIZ FEATURES OPINYON
    About Privacy & Policy Advertise Contact
    Balita