Literal na “Miss Everywhere” talagang maituturing ang libero ng koponang F2 Logistics na si Dawn Macandili-Catindig matapos masungkit ang pinakabago niyang record na “Most digs” sa Premier Volleyball League.

Sa Facebook post ng Premier Volleyball League kahapon ng Lunes, Hulyo 3, makikita ang kabuuang 48 excellent digs at 15 excellent receptions na ipinamalas ni Dawn sa naging laban nila kontra Cignal HD Spikers nitong nakaraang Sabado.

Dahil sa pambihirang defensive skills ni Dawn at sinamahan pa ng solid na blocking ng kaniyang koponan, natapos nila ang laban sa loob ng 4 sets.

“Well, I'm just doing my job. I'm also thankful to my teammates because I wouldn't be able to defend if the blockings were chaotic." aniya na mababasang caption sa Facebook post.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Maraming Pinoy women’s volleyball fans naman ang patuloy na humahanga kay Dawn na nagbigay-komento:

“Ms Everywhere of the Philippines volleyball.. Name is not just for show.”

“That's awesome! Congratulations!”

“Proud of you Macandili.”

“Defense is almost a thankless job. Mas nauuna pa mapansin ang either attacking or setting. What a record! 48 digs and 15 excellent receptions.”

“You are so good at defense Macandili.”

“ASIA'S FINEST LIBERO.”

Matatandaang libero na talaga ang naging role ni Dawn simula pa lang noong “UAAP” career niya, at sa pagiging libero rin siya lubusang nakilala.