
(Manila Bulletin File Photo)
₱53.3M, 'di napanalunan sa 6/55 Grand Lotto draw
Hindi napanalunan ang ₱53.3 milyong jackpot sa ginanap na draw ng 6/55 Grand Lotto nitong Lunes ng gabi.
Idinahilan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), walang nakahula sa winning combination na 20-22-52-54-33-30.
Umabot sa ₱53,301,641.20 ang nakalaang premyo sa nasabing draw.
Inaasahan pa ng PCSO na lolobo pa ang premyo nito sa susunod na draw.
Binobola ang 6/55 Grand Lotto tuwing Lunes, Martes at Sabado.