Dadagdagan pa ng China ang tulong nito para sa mga residente ng Albay na lumikas sa gitna ng pag-aalbroto ng Mayon Volcano.

Ito ang tiniyak ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian sa pagbisita nito sa lalawigan kamakailan.

Aniya, patuloy silang nakikipag-ugnayan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mabilis na pagpapaabot ng kanilang tulong sa mga apektadong residente.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Binanggit din ni Xilian ang nakatakdang pagdating sa bansa ng isang barko ng Chinese Navy, dala ang karagdagang tulong para sa mga evacuee sa naturang lalawigan.

Kamakailan, dumatig sa Albay ang 4,102 sakong bigas na kaagad na ipinamahagi sa mga pamilyang apektado ng pag-aalburoto ng bulkan.