
(Albay Provincial Information Office/FB)
Chinese ambassador, namahagi ng relief goods sa mga evacuee sa Albay
Pinangunahan ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian ang pamamahagi ng relief goods sa mga residente na lumikas dulot ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.
Isinagawa ang relief goods distribution kasunod na rin ng ceremonial turnover ng 500 family food packs para sa mga residenteng nasa Guinobatan Community College.
Bukod sa mga food packs, nag-donate din ang Chinese Embassy ng saku-sakong bigas at groceries.
Nauna nang tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tuluy-tuloy ang pagtulong nila sa mga apektadong residente sa gitna ng pag-aalburoto ng bulkan.