Kumpleto at masayang ipinagdiwang ng pamilya ng aktres na si Dimples Romana ang binyag ng bunsong anak nitong si Baby Elio na kasabay din ng kaniyang unang kaarawan.

Sa Instagram post ni Dimples ngayong Linggo, Hulyo 2, makikita na buo at kita ang galak ng pamilya sa kanilang mukha na tila maging si Baby Elio ay hindi rin nagpahuli sa pagngiti sa kamera.

Ayon pa kay Dimples, sa wakas ay maibabahagi niya na rin ang mga larawan ng nasabing pagdiriwang kung saan kuha pa noong nakaraang linggo.

“Welcome to the Christian world bunso #ElioJuanManolo. Blessed Sunday from our fam to yours! Finally uploading tonight after taping haha , the precious photos from Elio’s binyag and first birthday fiesta last weekend ♥️,” aniya.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Pinasalamatan niya rin ang lahat ng taong dumalo sa kanilang selebrasiyon na siyang lalong nagpaganda at hindi makalilimutang pangyayari.

“Ngayon pa lang, thank you na agad to everyone who joined us and made our celebration more beautiful and unforgettable ,” dagdag pa niya.