Sa kabila ng parehas na busy schedule ng mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez-Alcasid, nakuha pa rin nila ang chance na makapag-family bonding abroad bago muling sumabak sa kani-kanilang trabaho sa Pilipinas.

Sa Instagram post ni Ogie, makikita ang mag-asawang relax na relax na, matapos ang kanilang concert noong Biyernes, Hunyo 30, 2023 na ginanap sa Doha, Qatar.

Kasama pa nila ang unico hijong si Nate.

Noong contract signing lamang sa pagitan ng GMA Network at ABS-CBN para sa pag-ere ng “It’s Showtime” sa GTV nakadalo si Ogie dahil pa-biyahe na rin ito sa Qatar para sa nasabing concert nila ni Songbird.

Eleksyon

Chavit Singson, kakandidatong senador sa midterm elections

Sabado, Hulyo 1 nangyari ang makasaysayang pagsasanib-puwersa ng Kapamilya at Kapuso channel kaya’t makikitang wala rin si Ogie sa naturang show.

Pinasalamatan naman niya ang Panginoon para sa chance na ibinigay sa kanila upang makapag-bonding bilang pamilya bago umuwi at sumabak muli sa trabaho.

Yesterday was a relaxing day. Ty Lord for the chance to bond with family. Uwi na po kami bukas and back to regular programming sa tuesday.” aniya.

Sa huli, sinabi rin ni Ogie na excited na rin siyang makabalik at makasamang muli ang kaniyang Showtime at ASAP families.